
Hindi napigil ng mga pulis ang martsa protesta sa Maynila ng mahigit 20,000 mamamayan laban sa huwad na kalayaan sa ilalim ng gobyerno Arroyo bilang paggunita ng ika-108 Araw ng Kalayaan. Libu-libo pa ang dumagsa sa lansangan sa iba't ibang panig ng bansa.

Nag-aalimpuyo pa rin ang damdamin ng mga aktibista dahil sa tuloy-tuloy na pagpaslang sa kanilang hanay. Kahapon lamang, isang opisyal ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon ang pinatay ng mga pinaghihinalaang ahente ng militar sa Nueva Ecija.

Taa-kamao rin ang isang batang miron sa Quiapo.

Pagtutol sa Charter Change ang pangunahing mensaheng ipinaabot ng iba't ibang sektor, kabilang ang simbahang Katoliko, sa isang Interfaith Prayer Rally na ginanap sa Liwasang Bonifacio.
No comments:
Post a Comment