Sa protesta sa ika-18 anibersaryo ng huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program, nakatuntong ang mga magsasaka sa Mendiola. Ngunit hindi sila nagtagal dito.

Water cannon at batuta ang ginamit para muling sikilin ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang asembliya at kolektibong pagpapahayag ng mga hinaing sa gobyerno Arroyo.
Kapit-bisig ang mga nagpoprotestang binomba ng tubig.
Duguan ang marami sa mga raliyista.
Tinangkang dukutin ng pulisya ang ilan sa mga raliyista ngunit karamihan ay nailigtas ng kanilang mga kasamahan.
Tigmak sa dugo ang t-shirt ng isang raliyista mula sa kanyang pagyakap sa nabiyak na bumbunan ng isang kasamahang binatuta ng mga pulis. Sinugod sa PGH ang raliyista.
Nagpupyos sa galit ang mukha ni Danilo Ramos, secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, nang lumusob sa Malacanang para ipanawagan ang pagtigil sa pagpatay sa mga aktibista. "Nami-miss ko na ang bukid," sabi sa akin ni Ka Daning kagabi. Dahil sa mga bantas sa kanyang buhay, apat na buwan nang hindi nakakauwi si Ka Daning sa kanilang tahanan sa Bulacan.
Tunay na reporma sa lupa ang ipinaglalaban ng mga magsasakang nagprotesta sa kahabaan ng Espana. Hanggang ngayon, 9 sa 10 magsasaka ang walang sariling lupa.
Marami sa kanila ang nawalan ng tsinelas matapos silang marahas na itaboy ng mga pulisya.
Mga magsasaka mula sa iba't ibang probinsiya, nag-kampo sa harap ng Department of Agrarian Reform.
No comments:
Post a Comment